Muling nadakip ng mga awtoridad ang anim sa 22 inmates na pumuga mula sa custodial center ng Bacoor City, Cavite sa Talaba 4.
Ayon kay Police Sr. Insp. Aldrin Cabatan, City Police Operations Chief, ibabalik na sana sa selda ang isang preso matapos isalang sa ‘mugshot session’ nang biglang magsitakas ang iba pang inmates patungo sa direksiyon ng Emilio Aguinaldo Highway.
Kabilang naman sa mga naibalik na muli sa kustodiya ng pulisya sina Junjie Moog, Tristan Lance Ocupe at Gerald Lintan.
Sinasabing 12 sa mga pumuga ay may kaso na may kinalaman sa droga, tatlo ang may kasong robbery, isa ang may kasong frustrated murder, gayundin ang forcible abduction with rape at illegal discharge of firearm.