Dinagsa rin ng mga pet lovers ang animal rehabilitation center ng PAWS o Philippine Animal Welfare Society kagabi, bisperas ng Undas.
Ito’y para alalahanin ang kanilang mga yumaong mga hayop kasabay ng pagdagsa ng publiko sa mga himlayan para alalahanin ang kanilang mga mahal sa buhay.
Nagdala ng bulaklak at nagtirik ng kandila ang mga bumibista sa puntod ng kanilang mga alagang hayop na tulad ng ginagawa sa mga namayapang mahal sa buhay.
Itinatag ng PAWS ang nasabing himlayan para sa mga hayop dahil nauunawaan nila ang damdamin ng ilang mga pet lovers na parang tao na rin kung ituring.