Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang bahagi ng Anini-y sa Antique.
Batay sa ulat ng PHIVOLCS, dakong 10:52 ng umaga kung saan tectonic ang origin ng naturang lindol at may lalim na 18 kilometro.
Habang naitala ang pagyanig sa layong 16 na kilometro pa-kanluran sa nasabing bayan.
Samantala, wala namang inaasahang aftershock at pinsala kasunod ng lindol.