Walang nakitang anumang dapat ikabahala sa kanang bukong bukong ni reigning MVP Stephen Curry.
Ito ang resulta ng MRI ni Curry makaraan itong hindi makapaglaro noong Martes kontra Houston Rockets dahil sa iniinda nitong injury.
Ayon kay Warriors Coach Steve Kerr, bagamat ganito ang kalagayan ni Curry ay oobserbahan pa ito sa mga susunod na araw bago pagdesisyunan kung lalaro ito o hindi sa laban ng koponan sa Biyernes.
Iginiit ni Kerr na kalusugan pa rin ng kanyang players ang prayoridad ng koponan.
By Ralph Obina