Excited na ang aktres na si Anne Curtis sa nakatakdang biyahe nila ng kanyang asawang si Erwan Heussaff papuntang South Africa.
Ito ay dahil ang nasabing out of the country trip ang magsisilbing unang honeymoon nilang mag-asawa mag-iisang taon matapos ikasal noong November 2017.
Ayon kay Anne, excited siya dahil pinayagan siyang mag-leave nang mahaba sa trabaho at ibigay ito para makasama ang asawa.
Kwento ni Anne, matapos ng sobrang busy niyang schedule dahil sa sunod sunod na proyekto kabilang ang pelikulang “Buy Bust” at “Annekulit concert” ay wala na siyang gaanong susunod na trabaho bukod sa “Showtime”.
Gayunman sa ngayon, pinagkaka-abalahan muna ni Anne ang paghahanda sa kanyang konsyerto na “Annekulit: Promise Last Na’to” concert sa darating na Agosto 18 sa Araneta Coliseum.