Sisimulan na sa Abril ni Anne Curtis at kanyang fiance na si Erwan Heussaff ang paghahanda para sa kanilang kasal ngayong taon.
Ayon kay Anne, sa pagtapos ng Easter Sunday ay kanila nang tututukan ang preparasyon sa kanilang kasal. sinabi ng actress / TV host na posibleng hindi lahat ng kanyang mga co-host sa noontime show na Its Showtime ay makakasama sa kanyang entourage.
Matatandaang Nobyembre ng nakaraang taon nang mag-alok ng kasal ni Erwan kay Anne sa New York.
By Ralph Obina