Tila hindi pressured ang TV host/ actress na si Anne Curtis na magpakasal sa long time boyfriend nitong si Erwan Heussaff.
Ito ay kahit pa sunud-sunod nang ikinasal at na-engage ang ilan sa mga malalapit nitong kaibigan na sina Georgina Wilson, Isabelle Daza at Solenn Heussaff.
Sagot ni Anne sa mga tanong sa Twitter kung kailan siya lalagay sa tahimik ay hindi pa aniya sa ngayon.
“Not anytime soon. I just signed a 2 year contract haha”. Ani Anne.
Matatandaang sa mga nakaraang interview ay sinabi ng It’s Showtime host na nakikita niya ang sariling maglakad sa altar mga 2 o 3 taon mula ngayon. Sa ngayon aniya, ay masaya siya sa kanyang trabaho.
Ibinahagi rin ni Anne na nakatakda siyang mag-shoot ng isang pelikula ngayong July.