Magsasama sa isang pelikula ang Kapamilya actress na si Anne Curtis at Kapuso stars na sina Dennis Trillo at Paolo Ballesteros na may titulong “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend.”
Ito ang masayang inanunsyo ni Curtis sa kanyang Instagram account.
Sa larawang ipinost ng Showtime host, inihayag nito ang excitement na makasama sa isang proyekto ang dalawa sa direksyon ni Jun Lana.
“Super excited to work with these 2 cuties. We start shooting next month with Direk Jun Lana. I have a feeling this will be a happy set!”
Sa ngayon ay inaantabayanan pa ang ibang detalye ng nasabing proyekto.
Photo: Screengrab from annecurtis/ Instagram
Samantala, inilabas na ng Regal Entertainment ang trailer ng upcoming movie na pagtatambalan nina Enchong Dee at Kiray Celis na ‘I Love You To Death’.
Ito ang unang pagsasama ng dalawa sa isang romantic-horror-comedy movie.
Ang pelikula ay istorya ni Gwen (karakter ni Celis) na ang birthday wish ay makahanap ng isang lalaking sobrang ma-iinlove sa kanya.
Sa direksyon ni Miko Livelo, tampok din sa pelikula sina Janice de Belen, Betong Sumaya, Michelle Vito, Devon Seron, Trina Legaspi, Shine Kuk, Paolo Gumabao, Jon Lucas Christian Bables, Nico Nicolas at Dino Pastrano.
Palabas na ang ‘I Love You To Death’ sa July 6.