Mananatili sa kanilang show ang aktres na si Anne Curtis.
Ito ang sinabi ni Curtis kahit na kasalukuyan siyang naka-maternity leave.
Ayon kay Anne, hinding-hindi niya iiwan ang “It’s Showtime” na itinuturing na niyang pamilya at naging bahagi na umano ito ng mga tagumpay niya sa buhay.
Kasalukuyang naka-bakasyon sa Melbourne si Curtis at inaasahang manganganak na ito sa March 2020.