Matapos ng pagsabak sa New York at London Marathons noong 2016 at 2018, muling tatakbo ang aktres na si Anne Curtis sa kanyang 3 World Major Marathon sa susunod na taon.
Sa kanyang tweet, excited na kinumpirma ni Anne ang pagsabak sa 2020 Tokyo Marathon na gaganapin sa March 1 ng susunod na taon.
Ayon sa aktres, agad niya nang sisimulan ang training lalo’t pansamantala din aniya siyang tumigil sa pagtakbo.
Dagdag ng aktres, hindi biro ang tumakbo ng aabot sa 42.2 kilometers.
Hindi naman binanggit ni Anne ang paglalaanang charity para sa kanyang pagsabak sa Tokyo Marathon.
Magugunitang, sumali si Anne sa London Marathon noong 2018 para sa UNICEF Philippines.