Nag-ala Audrey Hepburn ang aktres na si Anne Curtis para sa kanyang 37th birthday.
Sa instagram post ni Anne, makikita ang black-and-white photos kung saan kuhang kuha niya ang trademark hairstyle ng Hollywood actress.
Kasama rin niya sa mga larawan ang kanyang anak na si Dahlia.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Anne na idol niya talaga si hepburn, at katunayan ay mayroon siyang bow na minsan na rin nitong ginamit.