Umaasa ang kapamilya star na si Anne Curtis na matutuloy na ang honeymoon nila ng kanyang asawang si Erwan Heusaff.
Ayon kay Anne, sa katunayan ay naiinip na rin si Erwan at sa katunayan ay nagtext pa ito sa kanya at nagtatanong kung kailan muli ang kanialng dinner na silang dalawa lang.
Aminado naman si “Anne-kabogabol” na isang taong delayed ang kanilang honeymoon kaya’t sa pagkakataong ito ay itutuloy na nila ito sa Nobyembre dahil may oras na siya para sa kanyang mister.
Sa South Africa anya ang kanilang magiging honeymoon at excited na sila sa mahabang break na matagal hinintay at naunsyami dahil sa tambak na project.
Bukod sa Showtime at katatapos lamang na concert, abala rin si Anne sa pag-po-promote ng kanyang kauna-unahang international action movie na “Buy-Bust.”