Aabot sa 1,502 ang naaprubahang aplikasyon ng pagtatayo ng cell site sa buong bansa.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año sa kabuang 1,930 na nakabinbing aplikasyon, 428 na lamang dito ang hindi pa naaprubahan.
Aniya apat na telecommunications companies ang nag-apply ng permit para makapagtayo ng cell towers sa 55 probinsya at 25 siyudad sa bansa.
Ilan umano sa mga kumpanyang ito ay ang Globe Telecom, Smart, at Dito Telecommunity Corporation.
Binigyang diin din ni Año na ang pagkakaapruba sa naturang mga aplikasyon ay dahil sa pinasimpleng proseso sa ilalim ng joint memorandum na nilagdaan ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang pagaanin at bawasan ang mga requirements na hinihingi sa mga telcos na nais magtayo ng cell sites.