Nitong December 2, 2023, tinamaan ng magnitude 7.4 na lindol ang Hinatuan, Surigao del Sur. Sinundan ito maraming ng aftershocks.
Bago ito mangyari, matatandaang niyanig din ng magnitude 6.8 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental noong November 17, 2023.
Kaya naman nangako ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpapatuloy ang mga hakbang upang mas makapaghanda ang mga Pilipino laban sa mga malalakas na lindol.
Tiniyak din ni Pangulong Marcos na nakikipag-ugnayan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of the Interior and Local Government (DILG) upang magpaabot ng tulong sa mga biktima ng mga malalakas na lindol sa Mindanao.
Samantala, sa isang panayam, siniguro ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr. na ginagawa ng national at local governments ang lahat upang maging handa ang mga komunidad kung sakaling magkaroon ulit ng malakas na lindol.
Hinikayat naman ng Kalihim ang publiko na gumamit ng How Safe is My House? app kung saan maaari mong malaman kung gaano katibay ang bahay o building na kinatatayuan mo.
Bilang pagsisikap na ihanda ang mga Pilipino sa lindol, inilabas ng DOST at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mobile application na How Safe Is My House? Self-check for Earthquake Safety of Concrete Hollow Block (CHB) Houses in the Philippines noong April 13, 2021.
Sa innovation na ito, layon ng DOST at PHILVOLCS na maging aware ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng seismically-sound structures o mga istrukturang hindi agad matitinag ng lindol.
Nagbibigay ang app na ito ng simple and easy-to-use tool para malaman ng owners at occupants kung gaano katibay ang residential houses at iba pang 1-2 story CHB buildings.
Sa pagsagot sa 12 questions, mae-evaluate na ng users ang kaligtasan ng kanilang mga bahay. Malalaman din dito ang vulnerability o kahinaan nito sa malakas na lindol. Kung ang lumabas na resulta ay nagpapakitang hindi ligtas ang bahay mo, dapat agad kumonsulta sa isang professional at patibayin ang istruktura nito.
Available for free download ang How Safe is My House? app sa Google Play Store at App Store. Maaari mo rin itong ma-access sa iyong browser sa pamamagitan ng pagbisita sa link na ito:
https://howsafeismyhouse.phivolcs.dost.gov.ph/