“Those who are least responsible suffer the most.”
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. tungkol sa climate change sa kanyang speech sa United Nations General Assembly noong September 21, 2022.
Kahit less than one percent lang ang naiaambag ng Pilipinas sa carbon emissions sa kabuuan, isa pa rin ang bansa sa most vulnerable countries na lubhang naaapektuhan ng climate change. Para kay Pangulong Marcos, injustice ito na kailangang itama.
Kaya naman magandang balita para sa bansa ang pag-apruba ng Loss and Damage Fund sa 28th Conference of the Parties (COP28) on the United Nations’ Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) na ginanap sa Dubai nitong November 30, 2023.
Manggagaling ang Loss and Damage Fund mula sa mga mayayamang bansa na itinuturing ding major polluters. Ang mga nakolektang pondo mula dito ay ibibigay sa developing countries. Magsisilbi itong compensation para sa mga mahihirap na bansa dahil, gaya nga ng sabi ni Pangulong Marcos, kung sino pa ang hindi masyadong nakakaambag sa climate change, sila pa ang lubhang nagdudusa sa mga epekto nito.
Nangako na ang ilang developed countries na mag-aambag sa Loss and Damage Fund. Kabilang na dito ang United Arab Emirates at Germany na magbibigay ng $100 million each. Magbibigay rin ng $75 million ang United Kingdom, $24.5 million mula sa United States, at $10 million naman mula sa Japan.
Simula 1991, iminumungkahi na ang pagkakaroon ng ganitong uri ng compensation. Ayon sa Special Climate Envoy ng Barbados na si Avinash Persaud, nagsimula ang problema sa klima dahil sa industrialization ng mga mayayamang bansa. Aniya, dahil mismo sa industrialization kaya sila naging mayaman, kaya naman dapat lang na tumulong sila sa gastos sa reconstruction at rehabilitation ng climate impacts.
Para kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, very critical ang pagpapatupad ng Lost and Damage Fund dahil makatutulong ito sa developing nations na i-rebuild ang natural at man-made features na nasira dahil sa climate change na hindi kayang tustusan ng bansa. Siniguro rin ng Environment Secretary na sinusubukan ng bansa na pabababain ang emissions mula sa energy and transport at agriculture sectors.
Samantala, hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang world leaders para sa mabilisang implementasyon ng Loss and Damage Fund.
Hindi mapapantayan ng anumang halaga ang nag-iisang mundo natin, ngunit mahalaga pa rin sa pangangalaga at pagsasaayos nito ang pagkakaroon ng sapat na pondo. Sa pag-apruba ng Lost and Damage Fund, mapagagaan ang epekto ng climate change sa bansa na hangad ni Pangulong Marcos para sa Pilipinas.