Sa dami ng hinaharap na pagsubok patungkol sa plastic pollution at kahirapan, ay umuusbong ang kwento ng pag-asa at pagbabago.
Isipin ang mahigit na 100 milyong na kilo ng itinapong plastic — isang kabigla-biglang bigat na 220 milyong pounds, na katumbas ng 5 bilyong, tig 500mL na bote — pinipigilan sa pagdumi sa ating kapaligiran.
“Hindi ito isang panaginip; isa itong tagumpay ng aming mga recycling communites na pinulot ang bawat isang bote para makaahon sa kahirapan,” banggit ni David Katz, isang visionary, founder at Chairman ng Plastic Bank.
Noong Oktubre 23, 2023, tumuntong si David Katz sa stage ng Sustainable Brands sa Madrid. Hindi siya nandoon upang magbigay ng tipikal na corporate speech; siya ay nandoon upang i-challenge ang mga pangako sa pagiging sustainable at mag-udyok ng pagbabago. Masigasig na binibigyang diin ni Katz na ang panahon para sa sustainability ay lumipas na. Ang kailangan natin ngayon ay isang radikal na pagbabago sa kung paano tinutugunan ng mga negosyo ang kanilang mga responsibilidad sa kapaligiran at panlipunan.
“Tayo ay nakatayo sa isang sanggang-daan,” deklara ni Katz, “Maaari tayong magpatuloy sa landas ng konsumerismo, o maaari tayong magsimula sa isang malalim na paglalakbay patungo sa regeneration ng ating mundo.” Naniniwala siya na hawak ng mga negosyo ang susi sa paghihilom sa ating planeta at pagpapalakas sa mga komunidad na nangangailangan.
Mula nang magsimula ito, ang kilusang Social Recycling ng Plastic Bank ay kumalat na parang napakalaking apoy, na lumalagablab sa 550 mga komunidad sa buong Southeast Asia, Latin America, at Africa.
Sa Pilipinas, ang Plastic Bank ay mayroong mahigit 230 recycling na komunidad sa 8 probinsya na nag-ambag ng higit sa 25% porsyentong koleksyon sa 100 milyong kilo na milestone. Sa 40,000.