Madalas ka bang nagkakaroon ng in grown na kuko? nako, baka Paronychia na iyan!
Ang Paronychia o nail infection ay karaniwang nagmumula sa bacteria na pumapasok sa balat sa pamamagitan ng mga hiwa sa cuticle at nail fold.
Madalas itong nakukuha kapag nagpuputol ng kuko, nagpapa-manicure o sa paghila ng balat sa tabi ng kuko.
Kapag napabayaan ay maaari itong magresulta sa impeksyon na mahirap gamutin.
Kung ikaw ay may mild paronychia, ibabad ang apektadong bahagi sa maligamgam na tubig sa loob ng kinse minutos.
Ito ay nakatutulong sa pag-alis ng namumuong nana sa ilalim ng balat.
Nakakatulong din ang pag lagay ng betadine dahil ito ay nakatutulong upang ma-prevent ang mga inspeksyon.
Ginagamit din ito sa pagpapagaling ng skin wounds, pressure sores at surgical incisions.
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng paronychia, ugaliing iwasan ang pagkagat sa kuko o hang, masyadong maikling paggupit ng kuko at paggupit malapit sa nail fold.
Kung ikaw ay may diabetes, immuno-suppressed, o nakakakita ng signs of infection, huwagmagdalawang isip na kumunsulta sa doktor. —sa panulat ni Hannah Oledan