Madalas bang manakit ang inyong muscles? maaaring Tendonitis na iyan.
Ang Tendonitis ay ang pamamaga o pagkapunit ng mga tendon sa pagitan ng muscles at buto.
Nagkakaroon ng Tendonitis ang isang tao kapag ito ay nagbubuhat ng mabibigat na bagay at biglaang pa-stretch sa apektadong bahagi ng katawan.
Maaari ring sanhi nito ang maling posisyon ng katawan sa pag-upo at kakulangan sa stretching o warm-up exercise.
Ang taong may Tendonitis ay mahihirapang maigalaw ng wasto ang apektadong bahagi ng kanilang katawan.
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng Tendonitis, siguraduhing dahan-dahang gumalaw kapag nagsasagawa ng mga physical activity.
Gumamit rin ng tamang lakas sa mga gawain at iwasan ang paulit-ulit na paggawa rito.
Maaari din itong malunasan sa pamamagitan ng pag-inom ng pain killers, paga-apply ng ice sa namamagang bahagi ng katawan at compression. —sa panulat ni Hannah Oledan