Tinutubuan ka ba ng warts? Narito ang ilang paraan kung paano tatanggalin ito.
Ayon sa American Academy of Dermatology (AAD), ang warts ay benign o hindi cancerous na tumutubo sa ibabaw ng balat na naaapektuhan ang skin ng virus na tinatawag na human papilloma virus.
Mas malala at papangit ang balat kapag hiniwa ang kulugo
Pero una sa lahat, kumunsulta muna sa doctor bago subukan ang ilang home remedies.
Una ay tea tree oil – paghaluin lamang ang tea tree oil at dalawang kutsarang mineral water, ipahid ito sa warts ng hanggang apat na beses kada-araw at hayaang matuyo, ang tea tree oil ay mayroong powerful antiseltic na nakapapatay ng bacteria;
Apple cider vinegar – ilubog ang bulak sa apple cider vinegar at ilapat sa warts, maglagay ng bandage para hindi ito maalis sa kinalalagyan, pagkatapos ng tatlong oras ay pwede na itong tanggalin. —sa panulat ni Drew Nacino