Dumepensa si Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Año sa pagkumpirma nya na kasama si Lt. Col. Jovie Espenido sa ‘narco list’.
Ayon kay Año, kilala sa buong bansa si Espenido kaya’t dapat itong mabigyan ng pagkakataon na linisin ang kanyang pangalan.
Aminado si Año na nagtataka rin sya kung bakit hindi pa natatanggal sa listahan si Espenido gayung 2016 pa ang naturang ‘narco list’.
Pinuna rin ni Año ang anya’y mabagal na validation na ginagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Samantala, naniniwala si Año na malaking factor ang ipinahayag na tiwala ng pangulo para mawala si Espenido sa ‘narco list’.
Kaya ‘yung pinamalas niyang paglaban sa droga sa Ozamiz, napakalaking factor ‘yun to serve in his favor. Siguro ‘yun ang nakita ni Pangulo, noong nagbigay ng statement ang Pangulo na siya ay naniniwala na malinis si Espenido. I’m not part of the validation team but nakikita ko lang, makakatulong sa kaniya yun. I don’t know bakit naging mabagal ang paglabas ng ICAD ng validation,” ani Año.