Iginiit ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na walang pumilit kay dating PNP chief General Oscar Albayalde na magbitiw sa kanyang puwesto.
Ayon kay Año, sinabi sa kanya ng Pangulong Rodrigo Duterte na nananatili ang tiwala nya kay Albayalde dahil wala syang masabing masama sa naging panunungkulan nito bilang PNP chief.
Ipinaliwanag ni Año na noong Miyerkoles pa ng nakaraang linggo ay sinabi na sa kanya ni Albayalde na pinag-iisipan na nitong bumaba bilang PNP chief kasunod ng mga alegasyong nag-uugnay sa kanya sa ‘ninja cops’.
Gayunman, pinayuhan anya nya si Albayalde na pag-isipang mabuti at nitong Sabado nga ay tuluyan na itong nagsumite ng kanyang letter of resignation bilang hepe ng PNP.
Una rito, sinabi ni Senador Bong Go na inatasan ng Pangulong Duterte si Albayalde na magterminal leave na dahil paparetiro naman na ito sa Nobyembre 8.