Muling nagpositibo sa COVID-19 si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.
Ito na ang ikatlong beses na tinamaan ng naturang sakit ang kalihim.
Ayon kay Año, asymptomatic siya at patuloy na magtatrabaho kahit na naka-isolate.
Hinikayat naman ng opisyal ang publiko na magpabakuna laban sa sakit, agad na magpa-booster at patuloy na sundin ang health protocols.