Makikipagpulong si Interior Secretary Eduardo Año sa mga alkalde sa Metro Manila sa Linggo, Setyembre 27.
Ito’y upang talakayin ang kanilang magiging rekomendasyon kung pananatilihin o paluluwagin ang community quarantine status sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Nilinaw naman ni Año na karamihan sa mga alkalde ay gustong manatili ang Metro Manila sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Kasalukuyang nasa GCQ ang NCR tulad ng Bulacan, Batangas at Tacloban City habang karamihan sa mga lugar sa bansa ay nasa modified GCQ na siyang pinakamaluwag na quarantine classification.
Hanggang sa katapusan naman ng Setyembre mapapaso ang MECQ status sa Lanao del Sur, Bacolod City at Iligan City.