Masaya si Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff Eduardo Año na natapos na ang bakbakan sa lungsod ng Marawi bago pa man siya magretiro.
Bagaman aminado siya na nagkulang sila sa pagbibigay pansin noon sa mga natanggap na intelligence information kaya nalusutan ng mga terorista sa Marawi.
Paliwanag ni Año kasalukuyan silang nakatutok sa pagtugis sa mga miyembro ng grupong Abu Sayyaf sa Basilan, Sulu at Maguindanao
Pagtitiyak naman ni Año na hindi na mauulit pa ang tinatawag na “failure to appreciate intelligence.”
Nakatakdang magretiro ngayong araw si Año na papalitan sa puwesto ng bagong talagang si Lt. General Rey Leonardo Guerrero.
—-