Nag-negatibo na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Interior Secretary Eduardo Año.
Sinabi ni Año na sumalang sila sa ikalawang COVID-19 test nuong Abril 8 at kahapon nila nakuha ang resulta mula sa Research Institute for Tropica Medicine (RITM).
Si Año ang kauna unahang cabinet official ng pangulong rodrigo duterte na nag positibo sa COVID-19 nitong marso 31 at sinundan ni Education Secretary Leonor Briones.
Si Briones ay nag negatibo sa COVID-19 sa ikalawang COVID-19 test. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)