Naghain ng ‘leave of absence’ si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ang naturang hakbang ay bunsod ng payo ng doktor ng opisyal na magpahinga muna at patuloy na i-monitor ang kanyang kalusugan.
Paliwanag pa ni Malaya, madalas mapagod si Año matapos na madapuan noon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Mababatid na magtatagal ang inihaing ‘leave of absence’ ni Año hanggang sa katapusan ng buwan.
Kasunod nito, itinalaga namang officer-in-charge (OIC) si Undersecretary for Peace and Order Florence Bernardo Jr., habang naka-leave of absence ang kalihim.