Muling pinaalalahanan ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga community pantry organizers na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay sa pamamahagi nila ng ayuda.
Ayon kay Año, ito’y upang matiyak na nasusunod ang health at safety protocols habang namimigay sila ng tulong sa mga nangangailangan.
Kung si Año naman ang tatanungin, dapat din aniyang imbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang pagkamatay ng isang taho vendor habang pumipila sa community pantry ng aktres na si Angel Locsin sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.
Balak din umano ng mga opisyal ng barangay na maghain ng reklamo laban kay Locsin dahil sa sinasabing paglabag sa health protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF).