Pinawi ni DILG Secretary Eduardo Año ang pangamba ng mga kritiko ng pamahalaan laban sa pagbuhay sa anti-subversion law.
Ayon kay Año, ang magiging target lamang ng batas ay ang Communist Party of the Philippines (CPP) at ang mga grupong binuo nito gayundin ang New People’s Army (NPA).
Sinabi ni Año na walang dapat ipag-alala ang oposisyon at iba pang lehitimong mga grupo dahil hindi naman sila masasaklaw ng batas.
Aminado si Año na naabuso noong panahon ng martial law ang anti-subversion law kaya’t may agam-agam dito ang mga kritiko ng pamahalaan.