Sang-ayon si Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Año na palawigin ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.
Ayon kay Año, mas makakabuti kung palalawigin ang umiiral na ECQ hanggang sa bumaba na ang bilang ng kaso coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Aniya, nanganganib na magkatotoo ang projection ng ilang eksperto na sumampa sa 30,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng Hunyo o Hulyo kung ititigil na ang ECQ.