Sinubukan pa ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na pigilan si dating PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa pasiya nitong maagang bumaba sa puwesto.
Ito ang inamin mismo ni Año, isang araw matapos ideklara ni Albayalde ang pagiging non-duty status bago ang nakatakda nitong pagreretiro sa nobyembre 8.
Kasabay nito, mariing itinanggi ni Año ang akusasyong pinuwersa si Albayalde na magbitiw sa puwesto matapos na makaladlad sa isyu ng ninja cops at recycling droga dahil sa mga dati nitong tauhan noong 2013.
Ayon kay Año, tiniyak mismo sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na nananatili pa rin ang tiwala nito kay Albayalde nang maka-usap niya ito noong isang linggo.
Ito aniya ang dahilan kaya minabuti ng Pangulo na paagahin ang change of command sa PNP bago ito umalis patungong Bangkok para sa ASEAN summit. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)