Nagpahayag ng suporta si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sakaling totohanin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bantang magdedeklara ng martial law.
Ito ay bunsod ng mga sunod-sunod na ilegal na aktibidad at pag-atake ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa tropa ng pamahalaan.
Ayon kay Año, malinaw na sinasamantala ng mga rebelde ang nararanasang krisis ng bansa para magpatuloy sa kanilang mga aktibidad laban sa pamahalaan.
Iginiit ni Año, ang babala ng pangulong hinggil sa deklarasyon ng martial law ay sanhi ng pagkadismaya nito sa mga ginagawang pag-atake ng mga rebelde sa mga sundalong at escort na barangay officials na tumutulong sa pamamahagi ng mga ayuda.