Tinanggap na ni Interior Secretary Eduardo Año ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangasiwaan muna ang Philippine National Police (PNP).
Ito ay habang hindi pa nakakapamili si Pangulong Duterte ng magiging PNP Chief.
Ayon kay Año, gagawin niya ang trabahong iniatang sa kanya ni Pangulong Duterte na supervise ang PNP bilang alter-ego nito.
Aniya, may mga pagpipilian na ang Pangulo sa isip nito ngunit sinusuri pa nito ang performance at conviction nga mga kandidato lalo na pagdating sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Kahapon, sinabi ng Pangulo na ang talamak na korupsiyon sa pulisya ang dahilan kaya wala pa siyang itinatalagang hepe ng PNP.