Patuloy na umaasa si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na makapagtatalaga na rin si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong hepe ng pambansang pulisya sa lalong madaling panahon.
Ayon sa kalihim, mahigpit na binabantayan ng Pangulo ang performance ng mga tinaguriang top contenders sa pagka-chief PNP lalo na sa kanilang mga nagawa sa war on drugs ng pamahalaan.
Kabilang dito sina PNP Officer in Charge at Deputy Chief for Administration P/LtG. Archie Gamboa, Deputy Chief for Operations P/Ltg. Camilo Cascolan at Chief Directorial Staff P/Ltg. Guillermo Eleazar.
Magugunitang nagpahayag na si Gamboa na walang problema sa kanila kahit wala pang hepe ang PNP dahil nasa normal pa rin naman ang kanilang operasyon sa ilalim ni Sec. Año bilang kanilang tagapamahala.