Umaasa si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na makapagtatala lamang ng mababang bilang o kung maaari ay zero casualty ang Bagyong Rolly.
Ito ay sa kabila ng pagtaas sa naturang bagyo bilang super typhoon category.
Ayon kay Año, Oktubre a-28 pa lamang ay ipinag-utos niya na ang maaagang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan para sa matinding pananalasa ng Bagyong Rolly.
Inatasan na aniya ang mga lugar na inaasahang maaapektuhan ng Bagyong Rolly na maagang i-activate ang kani-kanilang mga emergency operation center.
Dagdag ni Año, maaga ring nagpatupad ng pagbabawal sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat gayundin ang ang pagpapatupad ng preemptive evcuation.