Umapela si Department of local and Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa mga lokal na pamahalaan na padaanin ang mga sasakyang maghahatid ng OFW’S patungong designated quarantine areas sa gitna pa rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Kasunod na rin ito nang pagbabawal sa mga bus na maihatid ang mga OFW sa quarantine facilities sa Batangas.
Ang mga nasabing bus ay bumiyahe patungong Batangas sakay ang hagaang mga OFW base na rin sa memorandum na inilabas ni DILG Regional Director Noel Bartolabac.
Subalit iginiit naman ni batangas governor hermilando mandanas na hindi siya sinabihan sa nasabing memo subalit tiniyak namang padadalhan niya ng tulong ang mga nasabing OFWs.