Pinaiimbestigahan ni Health Secretary Francisco Duque III sa kaniyang binuong task force ang pagpapatupad ng barangay health station project
to’y makaraang madiskubre umano ni Duque na may anomalya sa pagpapatupad ng naturang proyekto na nagkakahalaga ng 8.1 Bilyong Piso
Ayon sa kalihim, aabot lamang sa isa punto dalawang bilyong piso mula sa naunang halaga ng pondo ang nagastos para sa pagpapatayo sana sa limang libo at pitongdaang mga barangay health stations
Subalit napag-alaman umano ng kalihim na marami sa mga ito ang hindi pa ganap na naipatatayo o di kaya’y may mga hindi rin natapos dahil umano sa kawalan ng pondo
Dahil dito, tiniyak ni duque na may mga mananagot sakaling mapatunayang may bahid ng anomalya at katiwalian ang naturang proyekto