Suportado ni Senador Sherwin Gatchalian ang panawagan at rekomendasyon ng COA o Commission on Audit na imbestigasyon ang umano’y anomalaya sa paggamit ng mahigit 36 na bilyong pisong pondo ng Malampaya mula 2004 hanggang 2012.
Ayon kay Gatchalian matagal niya nang iginigiit ang pagbusisi sa mga nakitang hindi pagkakatugma-tugma sa koleksyon at disbursement ng Malampaya fund sa nakaraang deliberasyon ng budget ng Department of Energy o DOE sa Senado.
Giit pa ni Gatchalian, ngayong COA na aniya ang mismong nagrekomenda na imbestigahan ang Malampaya fund ay malinaw na may anomalya sa paggamit nito.
Dagdag pa ni Gatchalian, dapat tandaan na ang nasabing pondo ay dapat ginagamit lamang sa mga proyektong may kaugnayan sa sektor ng enerhiya.
(Ulat ni Cely Bueno)