Tiniyak ng Commission on Elections na hindi makakaapekto sa preparasyon ng May 9 elections ang nangyaring anomalya sa nakatakda sanang presidential at vice presidential townhall debates.
Ito ay matapos irekomenda ng ilang opisyal ng COMELEC sa pangunguna ni Commissioner Rey Bulay ang pansamantalang pag-alis sa mga direktor ng Comelec Education in Information Department na sina James Jimenez at Frances Arabe.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, tanging si Comelec Chairman Saidamen Pangarungan ang magdedesisyon sa mungkahi ni Bulay.
Pero sa ngayon daw ay sa nalalapit na eleksyon nakatuon ang kanilang atensyon dahil may panahon para iresolba ang ibang bagay gaya ng nangyaring anomalya sa debate.