Sinimulan nang imbestigahan ng House Committee on Rules ang mga di umano’y anomalya at mga isinisingit na pondo sa panukalang 3.7 trillion national budget para sana ngayong taon.
Isinagawa mismo ang pagdinig sa Avenue Plaza Hotel sa Naga City, Camarines Sur.
Kabilang sa mga ipinatawag ng komite si Consolacion Leoncio, may ari ng CT Leoncio Construction and Trading, Director Renato De Vera ng Dept of Budget and Management – Region V at mga opisyal ng DPWH region 5.
Ayon kay Cong. Rolando Andaya, P10 billion infrastructure projects na inilaan ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa sorsogon para nuong 2018 ay nakuhang lahat ng CT Leoncio Contraction.
Ibinunyag ni Andaya na konektado sa CT Leoncio ang Aremar Joint Venture na pag-aari ng manugang at anak ni Diokno.
Maliban pa umano ito sa P385 million na alokasyon na naman sa Casiguran, Aurora na siyang hometown ng mga balae ni Budget Secretary Benjamin Diokno.