Mariing tututulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang reclamation projects sa Manila Bay hangga’t siya ang naka-upong Pangulo ng bansa.
Iyan ang harap-harapang inihayag ng Pangulo sa inagurasyon ng bagong ayos na Sangley Airport sa Cavite kahapon.
Ayon sa Pangulo, hindi makakukuha ng go signal sa kaniya ang anumang pribadong reclamation projects maliban na lang kung ito’y mayroong koneksyon sa mga pagawaing bayan.
There is one important thing that I want to make clear not during my time, I will only allow maybe plants or whatever reclamation if it is in connection with the government project, I will not allow massive reclamation for a private sector not now because if you approve one you approve all,” ani Duterte.
Naniniwala ang Pangulo na tiyak malalagay sa balag ng alanganin ang buong Metro Manila sa sandaling payagan ng mga susunod na Pangulo ang mga planong reclamation sa Manila Bay.
Pag-aralan ninyo ng mabuti yan, the next administration whoever gets to be next president of the country to study really carefully because that Manila is an old city and it will decay if you add so many things in front of Manila bay. Government projects except for those na-approve na, wala na ako that is why yung reclamation authority kinuha ko because I heard that everybody was grovelling for it, it came to my attention we have this project, no reclamation you wait until the next President, you might look at it kindly,” ani Duterte.