Isasailalim sa alert level one ang National Capital Region (NCR) sakaling bumaba sa 500 ang COVID-19 infections sa rehiyon.
Sa Laging Handa Briefing sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ibabase sa datos ang pagbababa ng alert level sa NCR.
Aniya, magbibigay-daan sa pagbubukas ng mas maraming sektor ang mababang alert level sa bansa.
Samantala, sinabi ng OCTA na posibleng maabot ng NCR ang seven-day average daily case count na 200 sa huling linggo ng Nobyembre.—sa panulat ni Joana Luna