Itinaas pa ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa 75-basis point ang antas ng interes sa mga pautang sa bansa.
Ayon kay BSP Governor Felipe Medalla, layunin ng pamahalaan na makontrol ang patuloy na pagtaas ng inflation rate o ang pagmahal ng mga presyo ng bilihin at serbisyo.
Sinabi ni Medalla na simula kahapon, nasa 3.25% na ang interes sa overnight-borrowing; 2.75% sa overnight-deposit; habang 3.75% naman sa lending facilities.
Umaasa ang BSP na sa pamamagitan ng pagtaas ng interes sa pautang, maiibsan ang epekto sa presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Pilipinas.