Bumaba sa 14.42% ang naitalang insidente ng krimen sa bansa ngayong Disyembre.
Ayon kay General Rodolfo Azurin Junior, hepe ng Philippine National Police (PNP), katumbas ang tala ng 9,108 krimen na naitala mula Disyembre 1 hanggang 20 ngayong taon.
Mas mababa ito kumpara sa 10,643 krimen na naitala naman sa kaparehong panahon noong 2021.
Ang tatlong nangungunang pinakalaganap na krimen ngayong taon, ay ang pagnanakaw, panggagahasa, at physical injury.
Habang ang walong focus crimes ay ang murder, homicide, physical injury, robbery, theft, vehicle theft, motorcycle theft, at rape, na bumaba rin sa 694 cases ngayong 2022 mula sa 2,330 noong 2021.
Iniugnay naman ni Azurin ang pagbaba ng mga krimen sa maximum deployment ng mga pulis sa buong bansa sa panahon ng kapaskuhan.