Ipinagmalaki ng Joint Task Force COVID-19 Shield ang patuloy na pagbaba ng antas ng krimen sa buong bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito’y ayon kay Task Force Commander P/Ltg. Guillermo Eleazar ay mula nang ipatupad ng pamahalaan ang mahigpit na community quarantine na layong maiwasan ang pagkalat ng virus.
Mula Marso 17 hanggang Setyembre 2, aabot sa 15,183 ang naitala nilang krimen sa buong bansa.
Mababa ito kumpara sa 13,787 o 48% kumpara sa nakalipas na anim na buwan ng nakalipas na taon o nasa pre-pandemic normal pa ang bansa.
Lumalabas din na 89 na krimen ang naitatala sa bansa kada araw na lubhang napakalayo ayon sa Joint Task Force COVID shield sa 170 krimen kada araw noong isang taon.