Umaasa ang Joint Task Force COVID-19 Shield na tuluy-tuloy na ang pagbaba ng krimen sa buong bansa ngayong humaharap na ang Pilipinas sa new normal.
Ito’y ayon kay Task Force Commander P/LtG. Guillermo Eleazar ay kasunod ng patuloy na pagbaba ng naitatala nilang krimen sa nakalipas na halos apat na buwan.
Batay sa datos mula Marso 17 hanggang Hulyo 1, pumalo sa 53% ang ibinaba sa antas ng tinatawag na 8 focus crimes sa bansa o katumbas ng 8,039.
Mas mababa aniya ito kumpara sa 9,000 na kanilang naitala mula Disyembre ng nakalipas na taon hanggang bago ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) nuongMarso 17 kung saan, nasa 17,039 ang naitala.
Kabilang sa mga tinaguriang 8 focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping, kabilang na ang pagnanakaw ng motorsiklo.