Ipinagmalaki ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nasa mahigit 50% pagbaba ng antas ng krimen sa Metro Manila.
Ito’y sa gitna na rin ng ipinatutupad na lockdown sa buong isla ng Luzon kabilang na ang Metro Manila kaalinsabay ng umiiral na enhanced community quarantine.
Batay sa datos, pumalo sa 56.9% ang ibinaba sa antas ng krimen sa Metro Manila kung saan, nangunguna rito ang carnapping, rape, theft at robbery.
Ayon kay NCRPO Director P/MGen. Debold Sinas, dahil mas kakaunti na ang mga tao sa lansangan dulot ng “stay at home” policy ay mas madali nang matukoy ang mga kriminal na gagawa ng kalokohan
Sa kasalukuyan, nasa 25,350 mga pulis NCRPO ang nakakalat sa buong Metro Manila na siyang tumatao sa mga quarantine checkpoint.