Bumaba na ng hanggang 40% ang naitatalang kaso ng krimen sa Metro Manila.
Ito ang ipinagmalaki ni NCRPO o National Capital Region Police Office Chief Director Oscar Albayalde.
Resulta na rin aniya ito ng ginagawang internal cleansing ng NCRPO sa kanilang hanay bago pa man ito gawin sa buong puwersa ng pambansang pulisya.
Kasunod nito, tiniyak ni Albayalde na wala na sa Metro Manila ang mga tiwaling pulis bago ang ikalawang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.
By Jaymark Dagala | With report from Allan Francisco
Photo Credit: NCRPO Twitter Account