POSIBLENG magpatuloy sa pagbaba ang antas ng tubig sa tatlong malalaking dams sa Luzon ngayong buwan.
Batay sa pinakahuling assessment ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, tinatayang aabot sa 191 meters ang water level sa Angat Dam, 203.50 meters sa Pantabangan Dam, at 174 meters naman sa Magat Dam.
Ayon kay PAGASA hydrologist Adele Duran, kahit pa umulan ngayong buwan sa mga watersheds ay hindi pa rin ito sapat para mapaangat ang antas ng tubig sa mga nasabing pasilidad.
Kasabay nito, ibinabala rin ni Duran ang posibleng pagkakaroon ng water shortage sa Pantabangan at Magat dams.