Mababa pa rin ang lebel ng tubig sa Angat dam.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni National Water Resources Board Executive (NWRB) Director Sevillo David Jr., na sa kasalukuyan ay nasa 195.3 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam.
Aniya, Enero pa lamang ay naghahanda na sila upang maiwasan ang lalong pagsadsad ng tubig sa naturang dam, gaya ng pagsasagawa ng ‘cloud seeding operations’.
Sa tantiya po natin, baka po 210-212 meters ang hinahabol natin, sa ngayon ay tantiya po natin baka mga dalawang mga ulan o dalawang bagyo po ang direktang tumama po sa water shed ng angat. Gayunpaman po, sa ngayon po nama-manage po natin ang sitwasyon kasi nga po may mga paghahakbang tayong inilakad kasama po natin dyan ang MWSS at kasama na rin po yung ang NIA t yung mga magsasaka dyan sa bulacan at pampanga.