Posibleng bumagsak na ang lebel ng tubig sa mababang antas hanggang sa Linggo.
Ayon kay Edgar Dela Cruz, hydrologist ng PAGASA, sa ngayon ay nasa 180.73 meters ang lebel ng tubig ng Angat subalit base sa bilis ng paggamit, maaaring umabot na ito sa 180 meters sa Linggo.
Mahigit sa 90 porsyento ng suplay ng tubig sa Metro Manila ay nagmumula sa Angat.
Gayunman, sinabi ni Cruz na ang unang tinatamaan sa mababang lebel na 180 meters ay ang alokasyon ng tubig para sa irigasyon at hindi ang mga para sa kabahayan.